First off, this will be a picture-intensive entry, so sa mga gusto maka-kita ng pics, click niyo na lang yung kahit isang LJ-cut :) All pics @ 640x480 resolution.
Okay, let's start..
November 23
Approved na ang leave ko, yun nga lang, wala akong freelance work for one whole week. No work, no pay! Hahaha..
Nagliwaliw lang ako, naglaro sa Glorietta 4, at nag-canvas ng laptop na gagamitin ko sa Singapore..
November 24
Nakapag-desisyon na ako sa laptop na aking bibilhin. Nasa Makati yung seller, kaya tumambay muna ako sa Glorietta 4 at naglaro ng kaunti.
Maya-maya, naglakad na ako papunta sa opisina nila. Pagkatapos ng matinding pangingilatis sa laptop na aking bibilhin, nagbayad na ako. Ayan, may gagamitin na akong laptop sa Singapore :D
Hapon, nagpunta ako sa SM para bumili naman ng laptop bag.
Nung pagabi na, nagkita naman kami ni
So tumambay muna kami sandali doon, at nang mag-hatinggabi ka na, nagpunta na kami sa amin at kumopya na nung files. Naimpluwensiyahan ko si Hao sa Angry Video Game Nerd.
November 25
It's flight day! Bandang 2 AM umalis na rin Hao, at ako naman, final preparations ng mga gamit ko, para sa flight. All set!
Kumain muna ako sa Jollibee dahil ayaw ko magutom sa eroplano. Haha!
7:30 AM ang flight ko, kaya mga 5 AM pa lang ay andoon na ako sa Airport. NAIA Terminal 2. Check-in, tapos tumambay muna. Hindi gumagana ang Wi-fi sa Terminal 2.
Nakalapag ako sa Singapore ng 11:30 AM.
Last year, sa Changi Budget Terminal ako lumapag. Ngayon, sa Changi Terminal 2. Ang laki at ang ganda pala sa terminal na ito. Siguro para na siyang kasinglaki ng isang mall, na may kainan at bilihan ng pasalubong.
Onting lakad lang at nasa Changi MRT station na rin ako, kaya nagpunta ako dito, at nag-Bugis sandali. Buti na lang, may natira akong pera (Singaporean dollars) last year, at ito ang ginamit ko papuntang Bugis Junction.
Ang una kong ginawa, nagpapalit ng pera sa Money changer. Tapos, bumili ako ng bagong simcard. Tapos, kumain muna ako sa McDo at sinubukan ang kanilang..
( Mega McSpicy )
Ping pong! 2 spicy chicken fillets. Hello cholesterol. Nah, para masubukan ko lang. Kailangan malaki bibig mo o kaya kailangan mong isubo ng kalahati lang. Nasubukan ko rin ang kanilang Seaweed Shaker Fries.
Pagtapos, naglaro ako ng V6 E-amuse sa TKA Virtualand.
Kinagabihan, nagkita-kita kami ni Marc (PPF friend) at ni
Kinagabihan naman, nag-bus ako papunta kina
At ayun, nakita ko na rin uli si
November 26
It's SITEX IT Fair day! Umaga pa lang, nagpunta na ako doon. Nasa Expo station siya ng MRT. Malaki-laki rin yung lugar, and so far, sa buong paglilibot ko, nakabili ako ng isang digicam, na gamit ko na ngayon pampicture.
( First pics from digicam )
Hindi rin ako gaano nagtagal, kasi nagpunta pa ako ng Lucky Plaza para magpapalit ng pera. Yun nga lang, naiwan ko nga pala yung papapalitan kong pera so, facepalm na lang sa sarili ko, at nakabalik ako ng Lucky Plaza ng walang nagawa kundi bumalik din.
November 27
Second day of the IT Fair! Wala, bumalik uli ako pero nalaman kong mas marami nang tao ngayon. Holiday kasi sa kanila ang araw na ito (Hari Raya).
Kinagabihan naman, sabay-sabay kami nina Eric at Jac na nagpunta sa airport para sunduin naman sina
Nakarating na rin sila, at nag-taxi kami pabalik ng Clementi, dahil wala nang bus at MRT. Umabot ng 700+ ang bayad sa taxi dahil sa night differential at galing pa ng airport. Ganun pala yun.
November 28
Nagpunta naman kami sa kalapit na McDo sa Clementi. Doon na-experience na nila Cha yung Mega McSpicy. At nagustuhan nila. Di nga lang naubos ni Ten kaya binaon niya at kinain ng umaga. Waha.
Nagpunta pala kami sa Iluma Mall, ang mall na malapit lang sa Bugis Junction. Meron silang apat na Taiko no Tatsujin 12 doon, at ang mga naglalaro doon, may mga sariling sticks na gamit. Magagaling sila maglaro.
Meron din silang Jubeat, ang pinakabagong touch screen music game. Bawat arcade center ata, hindi lang isang Jubeat ang machine e, apat o lima pa ata, dahil marami talaga naglalaro.
( Jubeat )
3rd day na ng IT Fair, at sabay-sabay kami nagpunta doon. Si Ten, bumili ng USB Vacuum cleaner at soccer ball mouse. Si Cha, bumili ng iPod 16GB Nano Orange at binilhan niya si
November 29
It's Sunday, at huling araw na ng IT Fair. Sabi ni Cha, makikipagkita daw siya sa mga friends niya Singaporean sa Audition SEA, kaya ayun, nagkanya-kanya muna kaming lakad. Ngayong araw din na ito kasi ako bibili ng mga PC Parts ko para sa upgrade. Si Ten ang sumama sa akin, at sa huling pagkakataon, nagpunta kami ng IT Show. Naghahanap siya ng PSP, at kung saan-saan kami napadpad, tulad ng Qisahn sa Far East Shopping Mall (sa Orchard), pero wala kami nakitang mura. May medyo mura, pero mahirap daw i-mod, at hindi pa raw sila mag-momod. Ang lagay pa naman, mahirap makipag-usap sa Singaporeans ng deretso, dahil hindi pa kami sanay na mabibilis sila magsalita.
Tapos na rin yung EB nina Cha, at nagkita-kita kami sa Plaza Singapura. Eto yung pic ng mga friends niya:
( Cha with AudiSEA players )
Ngayon ang araw na nagsabay-sabay kami talagang lahat nagkita-kita. Lahat kami, nagkita-kita sa Plaza Singapura, para mag-Carls Jr.. Ako, si Cha, Ten, Eric, Jac at Miffster, andoon. Sinubukan ko yung kanilang Thick Mushroom Angus Beef Burger:
( Ang tataba! )
Bye bye, $20.
Kinagabihan, naranasan ko na rin maglaro ng Wii Fit. Ang hirap ng balance games, pero natapos ko yung Meditating game. Woot!
Si Eric pala, inimpluwensiyahan ako sa Anime na Colorful, siya naman ni-influence ko sa Angry Video Game Nerd. Hoho.
November 30
Second to the last day in Singapore. Oh well, natatapos rin talaga ang vacation. Sabi naman ni Cha, magkikita pa sila nung isa niyang friend sa AudiSEA. Kaya ayun, nagawi kami ng Clark Quay station at nagkita-kita kami sa station mismo. Dinala niya kami sa mall doon.
( Clark Quay )
At eto naman ang pic nila:
( Cha with AudiSEA players 2 )
Wala ba kayo napansin sa unang pic at pic na ito? Tama, pare-parehas silang mukhang Singaporean locals
Jokes Cha..At oo nga pala, dahil kabibili ko lang ng PC Parts, naisip ko na kailangang i-testing ang mga ito dahil baka may maiuwi akong sira. Kaya nagkita-kita naman kami ni Marc sa Eunos, at inabot sa akin ang mga gamit.
Nag-taxi naman kami papuntang City Hall dahil nagkayayaan naman sa Sakae Sushi. Muntikan na kami masaraduhan eh, kaya dapat mag-taxi na. Nakaabot naman kami.
( Sakae Sushi in Singapore )
At iyan ang gabing tinatawag namin na last supper. Dahil bukas, babalik na kami ng pinas.
Pag-balik ko kina Eric para mag-test, hanla, may sira nga akong nakita. Yung isang memory stick, nagloloko. Buti na lang pala at tinest ko! Sabi ko, balikan ko bukas at papalitan.
December 1
Last day! Umaga pa lang eh gumising na kami nina Cha, at sabay-sabay kami nagpunta ng Bugis. Ako nagpunta ng Sim Lim (kung saan ko binili yung memory), at sila naman, nag-Bugis Junction, para mag-last minute shopping.
Pagdating ko sa Fuwell (kung saan ko binili yung memory modules), no questions asked - pinalitan kaagad yung memory! Ganda ng serbisyo.
Pag-uwi namin, final testing. Gumana na, at wala nang sira ang setup ko. Empake time, at sabay-sabay kami nag-taxi papuntang Changi Aiport. Goodbye to Eric and Jac, and salamat sa pagbabakasyon sa amin!
Doon, biglang nag-text ang isa pa naming Singaporean friend na pupunta daw para lang makita kami. Si Rann, friend namin ni Cha sa AuditionSEA for more than 2 years na. Last year, kami lang ang nagkita-kita, ngayon, kasama na si Cha.
Nagkaroon ng onting tour sa Changi Terminal 2, at eto, picture taking:
( Changi Terminal 2 balls )
Sina Cha, nauna na sa flight nila, ako naman, nung kinagabihan. Hatinggabi na ako nakauwi dito sa Pinas, which is December 2.
At bitin ako sa bakasyon na iyon. Haha!
Mood Meter

Fired up!
Joke of the day
Q. What kind of motor vehicles are in the Bible?
A. Jehovah drove Adam and Eve out of the Garden in a Fury. David's Triumph was heard throughout the land. Also, probably a Honda, because the apostles were all in one Accord.
Pic of the day

Pwede pang-tulog to ah!




calm